CLAIM OF FALSE TEACHERS: May mga nangangaral na nagsasabi na ang pangalang Jesus ay nahayag na sa Lumang Tipan. Sa pagkakataong ito, ginamit nila ang Juan 5:43-45. Idinagdag pa nila, "Ipinahayag na ni Cristo ang pangalan ng Ama, na siyang Diyos ng Lumang Tipan, at ngayon at magpakailan man. Kung gayon ay Jesus ang pangalan ng Diyos sa Lumang Tipan, ngayon, at magpakailan man."
MIUSED TEXT: "Naparito ako sa pangalan ng aking Ama, at ayaw ninyo akong tanggapin: kung iba ang pumarito sa kaniyang sariling pangalan, ay siya ninyong tatanggapin. Paanong kayo'y makapananampalataya, kayong nangagtatanggapan sa isa't isa ng kaluwalhatian at hindi ninyo pinaghahanap ang kaluwalhatiang nanggagaling sa tanging Dios? Huwag ninyong isiping ako ang sa inyo'y magsusumbong sa Ama: may isang magsusumbong sa inyo, sa makatuwid baga'y si Moises, yaong pinaglagakan ninyo ng inyong pagasa" (Juan 5:43-45).
"Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man" (Hebreo 13:8).
REFUTATION: Wala akong pagsalungat sa katotohanan na naparito ang Cristo sa pangalan ng Ama (Juan 5:43-45; John 17:6). Siya ay nagmana ng lalong marilag na pangalan (Hebreo 1:4, Filipos 2:9-11). Kaya nga, nasasabi Niya na "Ako at ang Ama ay iisa" (Juan 10:30), hindi lamang sa tinataglay ni Cristo ang pangalan ng Ama, kundi dahil sinabi Niya na "Ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa Akin" (Juan 14:9-11). Anupa't ang buong kapuspusan ng kalikasan ng Diyos ay nanahan sa laman (Colosas 2:9).
Gayundin naman, ang Mangaaliw, sa makatuwid baga'y ang Espiritu Santo na ipinakilala at ipinangako Niya sa Juan 14:16-18, ay sinugo ng Ama sa pangalang Jesus (Juan 14:16). Kaya isiniwalat ni Jesucristo na ang pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo (Mateo 28:19) ay Jesus. Ito ang dahilan kung bakit nagbabautismo ang mga apostol sa pangalan ni Jesus (Gawa 2:38; Gawa 8:16; Gawa 10:48; Gawa 19:5; Gawa 22:16; Roma 6:3-4; 1 Corinto 1:13; 1 Corinto 6:11; Galacia 3:27; Colosas 2:12; Santiago 2:7) bilang pagsunod sa utos ng Panginoong Jesus sa Mate0 28:19.
Ngayon, tungkol sa Juan 5:43-45, ang taong si Cristo Jesus ay tahasang tumutukoy sa paraan ng pagliligtas ng Diyos gaya ng sa mga talata 24 at 39 (upang matupad ang layunin ng kanyang pangalan, “Ang Diyos ay Kaligtasan”) ngunit hindi naniniwala ang mga tao na ang kapuspusan ng pagka-Diyos ay nananahan sa Kanya sa katawan upang maging Mesiyas. Kung may darating sa sarili niyang pangalan - bilang huwad na guro para magturo ng ibang ebanghelyo (Galacia 1:6-7), ang anticristo na hindi nagpapahayag na si Jesucristo ay naparito sa laman (1 Juan 4:1-6), o ang Hayop na sasabihin ng mga tao “Sino ang kagaya ng hayop? at sinong makababaka sa kaniya?”Pahayag 13:4) - tatanggapin siya ng mga tao.
Tungkol sa Hebreo 13:8, ipinahihiwatig nito na ang isa sa mga katangian ng Diyos na espiritu ay "immutability" o "hindi nagbabago" (Hebreo 1:12; Awit 90:2; Awit 102:27). Hindi sakop ng mga talatang ito ang hindi pagbabago ng pangalang Jesus. Kahit alam natin na ang Diyos ay nagliligtas sa Lumang Tipan (2 Samuel 22:3; 2 Samuel 22:36; 2 Samuel 22:47; 2 Samuel 23:5; 1 Chronicles 16:35; Job 5:4; Job 5:11; Awit 12:5; Awit 18:2; Awit 18:35; Awit 18:46; Awit 20:6; Awit 24:5; Awit 25:5; Awit 27:1; Awit 27:9; Awit 50:23; Awit 51:12; Awit 62:7; Awit 65:5, Awit 69:13; Awit 79:9; Awit 85:4; Awit 85:7; Awit 85:9), ang pangalang Jesus ay ipinahayag lamang sa Bagong Tipan sa tamang kapanahunan.
CONCLUSION: Ang John 5:43-45 ay hindi nagtataguyod sa claim na ang pangalang Jesus ng Ama ay ipinahayag na sa sanlibutan simula sa Lumang Tipan. Ang Diyos ay may mga pangalan at titulo (tulad ng El Elyon - God Most High, El Shaddai - God Almighty, atbp.) na inihayag sa Lumang Tipan sa ilang mga tao sa ilang mga panahon ng dahan-dahan upang magpakilala ng katangian ng Diyos. Hanggang sa ang pangalan niyang Jesus ay inihayag sa Bagong Tipan sa itinakdang panahon upang ipahayag na ang Diyos ay sumasa atin (Matthew 1:23) upang iligtas Niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan (Matthew 1:21; Luke 24:47; Acts 2:38; Acts 4:12; Acts 10:43; Colossians 3:17).
Comments